confession of a hopeless romantic
Akalain ko nga naman, anything can happen in a day. Ewan ko ba kung bakit ko ito nararamdaman. Hindi dapat ako umaarte ng ganito. Hindi ko nga alam kung paano ito nagsimula. Dahil siguro 2006 ngayon at may inaasahan akong mangyari na hindi dapat mangyari dahil hindi yun will ni God. Baka naman it started from a physical attraction and pagkakapareho namin ng personality na na share ko sa isang friend na tuluyang lumalim. Isa ring dahilan ang pagbibigay sa akin ng pagkakataon na marinig sa phone ang maganda niyang boses. Ang kapal talaga ng mukha ko.. Akalain mo ba namang umasa ako eh alam ko namang mali siya. Alam ko naman na may nakalaan for me pero that day, he became an ideal man for me. Kaya nga lang hindi talaga puwede. Langit siya lupa ako... Buti na lang hindi inallow ni God na mag grow pa ang feeling, I tried to check his profile sa friendster. Tama nga ako... May GIRL FRIEND na siya. At wala akong panama sa gf niya. Although mas maganda naman ako, she belongs to class A. Mala attic cat ba ang drama ko... Pero ok lang yun, masaya naman ako para sa kanila... mukha naman silang masaya... accepted ko na hindi siya para sakin, so after 30 hours, i let go of my feelings.
Posted at 01:41 pm by Vanny