confession of a hopeless romantic
Akalain ko nga naman, anything can happen in a day. Ewan ko ba kung bakit ko ito nararamdaman. Hindi dapat ako umaarte ng ganito. Hindi ko nga alam kung paano ito nagsimula. Dahil siguro 2006 ngayon at may inaasahan akong mangyari na hindi dapat mangyari dahil hindi yun will ni God. Baka naman it started from a physical attraction and pagkakapareho namin ng personality na na share ko sa isang friend na tuluyang lumalim. Isa ring dahilan ang pagbibigay sa akin ng pagkakataon na marinig sa phone ang maganda niyang boses. Ang kapal talaga ng mukha ko.. Akalain mo ba namang umasa ako eh alam ko namang mali siya. Alam ko naman na may nakalaan for me pero that day, he became an ideal man for me. Kaya nga lang hindi talaga puwede. Langit siya lupa ako... Buti na lang hindi inallow ni God na mag grow pa ang feeling, I tried to check his profile sa friendster. Tama nga ako... May GIRL FRIEND na siya. At wala akong panama sa gf niya. Although mas maganda naman ako, she belongs to class A. Mala attic cat ba ang drama ko... Pero ok lang yun, masaya naman ako para sa kanila... mukha naman silang masaya... accepted ko na hindi siya para sakin, so after 30 hours, i let go of my feelings.
Posted at 01:41 pm by Vanny
Permalink
Kakaiba ang feeling.. yun bang ang daming magandang nangyari tapos bigla na lang magbabakasyon.....
Ang toxic nga ng month na to eh... Inumpisahan ng binguhan ng org...kahit hindi ako active at wala akong ginawa... naenjoy ko na naman ang bingo... gusto ko pa naman yung dvd player... kinabukasan cell award sa victory... akalain mo ba namang para akong nasa star award...church ba itong napuntahan ko...
Kinabukasan naman Araneta Colliseum kami
Wala pang ilang araw ang lumipas... christmas party ng barkada ko sa condo nina Trina... syempre swimming kami sa pool... Hehe.. first time ko mag swim sa pool.Nung umpisa sa gilid lang ako.. baka kasi ako malunod... akalain mo ba namang nasa gitna na ako and syempre prentending na naglalangoy....
Ang dami masasaya alaala ng nakaraang taon...
Di ko makakalimutan ang class namin sa socsci 120.. nung pinabasa sa amin ang Who moved my cheese?
Yung report ko rin about Heroic Leadership... di ko talaga makakalimutan yun..
Posted at 06:02 pm by Vanny
Permalink
Christmas convergence sa Araneta
After ng cell awards.. super antok na antok ako... 4 am na kasi ako natulog. Dun me natulog
kina shine. Habang mahimbing ang tulog ni Shine and Ian, busy ako sa panonood ng
Phantom of the opera na pinaulit ulit ko lang ung favorite na eksena ko. Kinabukasan, dec.
11, maaga kami pumunta araneta dahil isa ako sa mga usher.. ang galing.. dati hangang
youth service lang ako ngayon araneta na... call time namin is 12 pero medyo na late ako
dahil dun kami bili lunch gateway. Nakasabay namin si Kuya Adrian sa mula lrt, gateway
hangang southgate na hindi naman kami nakapasok dahil wala name namin sa list. When
we started at 3:30, di ko maexplain ang feeling seeing thousand of people praying. Lalo na
when the band started playing worship songs... grabe... Nakita ko pa si Kitchie, malapit kasi
kami sa stage. medyo nakakapagod mag usher dahil kalahati kami ng service nakatayo...
enjoy naman me.. cute kasi head usher ko... ngek.tama na nga yan.. aabangan ko naman
next campus harvest....pag -uwi dorm direstso agad me kama at diretso hilik....
Posted at 09:19 pm by Vanny
Permalink
Hindi lahat ng ninanais natin ay kailangang masunod
Dahil lahat ng bagay ay may limitasyon
At hindi lahat ng iniisip natin ay makabubuti
Mahirap ngunit kailangan nating gumising sa katotohanan
May isang bagay akong nais ipagsigawan sa mundo
Ito lang ang paraan upang gumaan ang aking kalooban
Ngunit katumbas nito ay pagiging kumplikado
Mabuti pang sarilinin na lamang
At itago na lang habang buhay....
Posted at 08:59 pm by Vanny
Permalink
Excited ako na makita siya
Feeling ko lagi lang siya paligid
Feeling ko siya ang sakay ng lahat kakulay niyang car
Gusto ko siya lagi makasalubong
Ang saya ko sa tuwing kaharap ko siya
Gusto ko malaman lahat ng tungkol sa kanya
Favorite food, saan ba siya tumatambay, and ideas niya
Gusto ko lagi niya akong napapansin
Posted at 08:52 pm by Vanny
Permalink